Connect with us

Uncategorized

Xian Gaza, may mainit na chika! Bagong boyfriend ni Alodia Gosiengfiao, ibinunyag!

Published

on

Isang balita na naman mula sa certified marites na si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang Xian Gaza ang gumulantang sa publiko at sa social media.

Ito ay matapos nitong ibunyag kung sino ang bagong nagpapatibok sa puso ng cosplayer at vlogger na si Alodia Gosiengfiao pagkatapos ng kontrobersyal na hiwalayan nila ng dating live-in partner na si Wil Dasovich.

Matatandaang November noong nakaraang taon nang kumpirmahin nina Wil at Alodia na tuluyan nang nagwakas ang kanilang apat na taong relasyon.

Walang sinabi kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan kaya naman kung anu-anong espekulasyon ang lumabas. May iilan pa na nagsasabing may third party daw na naganap.

Gayunpaman, marami pa rin ang umasa na magbabalikan ang dalawa dahil sa viral na “sinaing” a “sinayang” posts ng dalawa sa kanilang mga social media.

Ayon sa netizens, tila nagkukulitan at nagpapalitan daw ng mensahe ang dalawa sa pamamagitan ng mga posts na ito.

Ngunit kamakailan lamang nang magulat ang lahat dahil sa balitang ibinahagi ni Xian Gaza.

March 22, 2022 nang mag-post ito sa kanyang Facebook page at sabihing kumpirmado raw na wala nang pag-asa na magbalikan pa ang Wilodia. Binanggit pa nito na masaya siya ngayon para sa cosplayer ngunit hindi niya muna raw papangalanan kung sino ang bago nito.

Saad niya,  “Alodia Gosiengfiao Boss A… Happy kami for you.  Kahit alam namin wala na ata talagang pag asa ang #WiLodia Di muna namin spluk yung bago mo… Baka mausog pa. Goodnyt!

Pero beke nemen pwede makahingi ng wine. Chariz!”

Samantalang nito lamang March 28, 2022 nang muli siyang mag post kaugnay dito at sinabing ibubunyag na niya kung sino ang bagong lalaki sa buhay ni Alodia.

With video pa raw para may resibo.

“Usto nyo ng video proof ng bagong lover ni anes?! Later Nyt 9PM! See yah!” ani Xian.

Hindi nga nagsisinungaling ang social media presonality dahil pagdating ng alas nuebe noong gabing iyon ay ipinost niya ang isang maikling video kung saan makikitang naglalakad si Alodia kasama ang isang lalaki sa isang event. Tila sweet na sweet ang mga ito at naka-angkla pa ang kamay ni Alodia sa braso ng lalaki.

Sa nasabing post ay itinago ni Xian ang rumored boyfriend ni Alodia sa initial na “CQ”.

Caption nito, “Koya Wil eto na nga pala yung *sinaing mo

Yes Mars legit pa sa legit!! Boss A spotted with her rumored boyfriend CQ. Watch nyo na dali!

*sinayang”

Dugtong pa nito, “Koya Wil Shot Wine Puno. Pulutan Kanin.”

Sa isa pang hiwalay na post, nilagyan niya ng caption na “CEO of Novellino” ang picture ng dalawa.

Dahil sa mga clue na ibinigay ni Xian, napag-alaman ng publiko na ang rumored boyfriend ni Alodia ay related sa isang wine producer company. Cristopher Quimbo raw ang ibig sabihin ng initial na “CQ.” Napag-alaman na ito pala ay isang mayaman na negosyante.

Tinatayang ito raw ay nasa edad 30 hanggang 40. Lumaki ito sa U.S ngunit kasalukuyang naninirahan ngayon sa Pilipinas.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula kay Alodia tungkol sa mga intrigang ito. Gayunpaman, marami na siyang tagahanga na nagpahayag ng kanilang pagsuporta para sa bagong lovelife ni Alodia. Masaya raw ang mga ito na nakamove-on na ang dalaga.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? Share your thoughts!

Advertisement

Entertainment

AJ Raval, pinagbawalan ni Aljur Abrenica magpa-sexy sa pelikula?

Published

on

By

Binigyang-linaw ng sexy star na si AJ Raval ang mga haka-haka ng publiko kung bakit niya tinanggihang gawin ang classic sexy movie na Scorpio Nights 3.

Maraming tagahanga ng dalaga ang nalungkot, lalo na ang kanyang mga male fans matapos pumutok ang balita na tuluyan nang tinanggihan ni AJ ang nasabing proyekto.

Dahil dito ay kabi-kabilang mga espekulasyon ang naglabasan kung ano ang tunay na rason ng aktres sa pagtanggi dito.

Marami ang nagsasabing mayroong kinalaman dito ang rumored boyfriend ni AJ na si Aljur Abrenica. ‘Di umano’y pinagbabawalan ng aktor na magpa-sexy si AJ.

Ngunit sa isang panayam kamakailan lamang ay nilinaw ng aktres na ang dahilan kung bakit siya nagdesisyon na tanggihan ang proyekto ay dahil hindi niya nagustuhan ang kwento at script nito.

“Ayoko pong magsinungaling, pero may ganoon din po na part sa akin, kasi po parang nagbabawas na rin po ako sa pagpapaseksi,” paliwanag nito.

Ngayong darating daw kasi na July 2022 ay mayroon siyang plano na bumalik sa pag-aaral kaya naman nagiging pihikan na siya ngayon sa pagpili ng mga proyektong tatanggapin.

Gusto niya ay sexy movie na mayroong katuturan at hindi lang puro pa-seksi.

Pahayag nito,”Sa ngayon po, yung pagpapaseksi, no problem po sa akin yun.

“Gustung-gusto ko po yung pagpapaseksi. Natutuwa po ako na tinatawag kami na pantasya ng bayan.

“Siguro po, pagdating sa story, gusto ko po kung magpapaseksi ako, yung meaningful po.

“Depende sa story, sa twist ng story. Kumbaga, parang laging may end goal yung story ng script,” dugtong pa niya.

Wala naman daw dapat na ikabahala ang kanyang mga tagahanga dahil hindi niya bibitawan ang pagpapa-sexy. Masaya raw siya kapag ginagawa ang bagay na ito kaya naman tuloy pa rin siya sa paggawa ng mga sexy movie na may sense.

“Hinding-hindi ko po bibitawan ang pagpapaseksi, masaya po ako dun at dun ako nakilala ng mga tao,” ani AJ Raval.

Sa ngayon ay hintayin na lamang daw ng kanyang mga fans ang sunod na proyektong kanyang gagawin.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? Share your thoughts!

Continue Reading

Uncategorized

Andrea Brillantes, muntik tapusin ang kanyang buhay noon matapos dumaan sa matinding pagsubok

Published

on

By

Isang rebelasyon ang ibinahagi ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes tungkol sa isang matinding pagsubok na kanyang pinagdaanan noong siya ay 13 taon gulang pa lamang.

Sa kanyang panayam sa TV host na si Boy Abunda ibinahagi ng aktres na sa murang edad ay sinubok ang kanyang mental health. Pakiramdam niya raw ay mayroong kulang sa kanya kaya naman ay hinahanap niya ito sa ibang tao.

Pagbabahagi niya,“Mga 13 po ako noon, tapos wala po talaga akong mahawakan and meron kasi akong void, as in may void ako sa heart ko noon”

“Lagi po akong humihingi sa Kaniya ng, ‘Bigyan mo naman ako ng isang rason, isang kaibigan, o isa lang’” dagdag pa nito.

Maging siya raw ay hindi maintindihan ang kanyang sarili dahil wala namang pinagdaraanang problema ang kanyang pamilya pero pakiramdam niya ay nasa gitna siya nang matinding pagsubok. Nawalan daw siya ng will to live at humantong pa sa gusto na niyang tapusin ang kanyang buhay.

“When you’re in so deep, hindi mo na nakikita ‘yung love na pinapakita ng iba. Sobrang lalim mo na eh, para kang may filter na itim. Magsisimula pa lang ang araw mo, ayaw mo nang simulan. Gigising ka nang ayaw mong gumising,” ani Andrea Brillantes.

Hanggang ngayon ay aminado ang aktres na mayroon pa rin siyang pinagdaraanan na pagsubok sa kanyang mental health. Dahil sa trabaho na mayroon siya, hindi raw maayos ang kanyang pagtulog at nakararanas siya ng insomia.

“Nagsimula po siya kasi maaga ako nagtrabaho. Maaga pong na-ano yung body clock ko, and kasi lagi po akong binabangungot and nagkakaroon ng sleep paralysis. Dahil d’un, nagkaroon na po ako ng fear na matulog,” saad ng aktres.

Sa kabila ng lahat ng kanyang mga pinagdaanan mula nang bata siya ay desidido ang aktres na lagpasan ang mga ito hindi lang para sa kanyang sarili kundi maging sa kanyang pamilya.

Continue Reading

Uncategorized

Anthony Leodones, ibinulgar ang totoong ugali at isiniwalat ang kabastosan na ginawa ni Rob Moya sa kanila ni Jaime

Published

on

By

Hindi napigilan ng vlogger na si Anthony Leodones na magsalita at maglabas ng kanyang saloobin kaugnay sa ‘di umano’y pambabastos at panggagamit ni Rob Moya sa kanyang best friend na si Toni Fowler.

Kamakailan lamang nang mag-viral ang isang video kung saan makikita na nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Rob at Toni sa mismong birthday party ni Rob. Kapansin-pansin ang sigawan ng dalawa at ang pagsampal ni Toni sa dating kinakasama.

Nito lamang April 8, sa pamamagitan ng isang vlog nilinaw ni Toni na ang dahilan ng pagtatalo nila ay ang pangungulit sa kanya ni Rob. Nang malasing daw ito ay naging touchy ito sa kanya at paulit-ulit nitong sinasabi na ayusin nila ang kanilang relasyon. Nang pagsabihan niya ito ay nagsimula nang mageskandalo si Rob.

Ilang oras matapos lumabas ang vlog ni Toni ay naglabas din ng saloobin ang kanyang malapit na kaibigang si Anthony Leodones.

Ayon dito ay ayaw niya makisawsaw sa isyu ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili dahil nakikita niya na sobra na ang pambabastos ni Rob kay Toni.

“Ikaw Rob, alam mo p******** mo! Sa totoo lang ang tagal ko ring tumahimik sa ginawa mo pero hanggang ngayon nanggugulo ka pa rin e,” galit na pahayag ni Anthony.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan kung paano binastos ni Rob ang kanyang girlfriend na si Jamie, noong panahon na walang wala sila at kay Toni sila lumapit.

Habang kausap niya raw sa cellphone si Rob ay tinawag nitong “hampaslupa” ang kanyang girlfriend. May mga pagkakataon din na minumura ni Rob si Jamie sa kanyang harapan.

Dagdag pa nito, “Kung paano mo muramurahin ‘yung girlfriend ko, pinalampas kita kahit gustong-gusto ko na basagin ‘yang bungo mo. Kaya iniwasan ko na magkita tayo kasi.. nako!”

Alam raw ni Anthony na mahal ni Rob si Toni pero sana ay tigilan niya na ito at huwag nang gamitin at perahan.

“Magpakalalaki ka naman! Ang laki ng katawan mo! Diba Rob Moya ka? Tumayo ka sa sarili mong paa! Huwag kang umasa kay Toni!” saad pa nito.

Masyado raw kasing mabait si Toni kaya madalas ay naabuso na. Ayon pa kay Anthony, alam niyang minsan ay mali na ang mga desisyon ni Toni kaya sana ay gabayan ito ng mga taong nasa paligid nito.

Payo pa niya, “Kayo Eloy, Vince, Rob kung mahal niyo talaga si Toni, tigil-tigilan niyo na ang pag content kay Toni! Masyado niyo nang binababoy at ginagamit si Toni. Protektahan niyo!”

Sa huli ay nagbigay na lamang ito ng payo kay Toni na isipin ang kalagayan ng kanyang anak na si Tyronia.

 

Continue Reading

Trending