Connect with us

Uncategorized

Anthony Leodones, ibinulgar ang totoong ugali at isiniwalat ang kabastosan na ginawa ni Rob Moya sa kanila ni Jaime

Published

on

Hindi napigilan ng vlogger na si Anthony Leodones na magsalita at maglabas ng kanyang saloobin kaugnay sa ‘di umano’y pambabastos at panggagamit ni Rob Moya sa kanyang best friend na si Toni Fowler.

Kamakailan lamang nang mag-viral ang isang video kung saan makikita na nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Rob at Toni sa mismong birthday party ni Rob. Kapansin-pansin ang sigawan ng dalawa at ang pagsampal ni Toni sa dating kinakasama.

Nito lamang April 8, sa pamamagitan ng isang vlog nilinaw ni Toni na ang dahilan ng pagtatalo nila ay ang pangungulit sa kanya ni Rob. Nang malasing daw ito ay naging touchy ito sa kanya at paulit-ulit nitong sinasabi na ayusin nila ang kanilang relasyon. Nang pagsabihan niya ito ay nagsimula nang mageskandalo si Rob.

Ilang oras matapos lumabas ang vlog ni Toni ay naglabas din ng saloobin ang kanyang malapit na kaibigang si Anthony Leodones.

Ayon dito ay ayaw niya makisawsaw sa isyu ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili dahil nakikita niya na sobra na ang pambabastos ni Rob kay Toni.

“Ikaw Rob, alam mo p******** mo! Sa totoo lang ang tagal ko ring tumahimik sa ginawa mo pero hanggang ngayon nanggugulo ka pa rin e,” galit na pahayag ni Anthony.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan kung paano binastos ni Rob ang kanyang girlfriend na si Jamie, noong panahon na walang wala sila at kay Toni sila lumapit.

Habang kausap niya raw sa cellphone si Rob ay tinawag nitong “hampaslupa” ang kanyang girlfriend. May mga pagkakataon din na minumura ni Rob si Jamie sa kanyang harapan.

Dagdag pa nito, “Kung paano mo muramurahin ‘yung girlfriend ko, pinalampas kita kahit gustong-gusto ko na basagin ‘yang bungo mo. Kaya iniwasan ko na magkita tayo kasi.. nako!”

Alam raw ni Anthony na mahal ni Rob si Toni pero sana ay tigilan niya na ito at huwag nang gamitin at perahan.

“Magpakalalaki ka naman! Ang laki ng katawan mo! Diba Rob Moya ka? Tumayo ka sa sarili mong paa! Huwag kang umasa kay Toni!” saad pa nito.

Masyado raw kasing mabait si Toni kaya madalas ay naabuso na. Ayon pa kay Anthony, alam niyang minsan ay mali na ang mga desisyon ni Toni kaya sana ay gabayan ito ng mga taong nasa paligid nito.

Payo pa niya, “Kayo Eloy, Vince, Rob kung mahal niyo talaga si Toni, tigil-tigilan niyo na ang pag content kay Toni! Masyado niyo nang binababoy at ginagamit si Toni. Protektahan niyo!”

Sa huli ay nagbigay na lamang ito ng payo kay Toni na isipin ang kalagayan ng kanyang anak na si Tyronia.

 

Advertisement

Entertainment

AJ Raval, pinagbawalan ni Aljur Abrenica magpa-sexy sa pelikula?

Published

on

By

Binigyang-linaw ng sexy star na si AJ Raval ang mga haka-haka ng publiko kung bakit niya tinanggihang gawin ang classic sexy movie na Scorpio Nights 3.

Maraming tagahanga ng dalaga ang nalungkot, lalo na ang kanyang mga male fans matapos pumutok ang balita na tuluyan nang tinanggihan ni AJ ang nasabing proyekto.

Dahil dito ay kabi-kabilang mga espekulasyon ang naglabasan kung ano ang tunay na rason ng aktres sa pagtanggi dito.

Marami ang nagsasabing mayroong kinalaman dito ang rumored boyfriend ni AJ na si Aljur Abrenica. ‘Di umano’y pinagbabawalan ng aktor na magpa-sexy si AJ.

Ngunit sa isang panayam kamakailan lamang ay nilinaw ng aktres na ang dahilan kung bakit siya nagdesisyon na tanggihan ang proyekto ay dahil hindi niya nagustuhan ang kwento at script nito.

“Ayoko pong magsinungaling, pero may ganoon din po na part sa akin, kasi po parang nagbabawas na rin po ako sa pagpapaseksi,” paliwanag nito.

Ngayong darating daw kasi na July 2022 ay mayroon siyang plano na bumalik sa pag-aaral kaya naman nagiging pihikan na siya ngayon sa pagpili ng mga proyektong tatanggapin.

Gusto niya ay sexy movie na mayroong katuturan at hindi lang puro pa-seksi.

Pahayag nito,”Sa ngayon po, yung pagpapaseksi, no problem po sa akin yun.

“Gustung-gusto ko po yung pagpapaseksi. Natutuwa po ako na tinatawag kami na pantasya ng bayan.

“Siguro po, pagdating sa story, gusto ko po kung magpapaseksi ako, yung meaningful po.

“Depende sa story, sa twist ng story. Kumbaga, parang laging may end goal yung story ng script,” dugtong pa niya.

Wala naman daw dapat na ikabahala ang kanyang mga tagahanga dahil hindi niya bibitawan ang pagpapa-sexy. Masaya raw siya kapag ginagawa ang bagay na ito kaya naman tuloy pa rin siya sa paggawa ng mga sexy movie na may sense.

“Hinding-hindi ko po bibitawan ang pagpapaseksi, masaya po ako dun at dun ako nakilala ng mga tao,” ani AJ Raval.

Sa ngayon ay hintayin na lamang daw ng kanyang mga fans ang sunod na proyektong kanyang gagawin.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? Share your thoughts!

Continue Reading

Uncategorized

Andrea Brillantes, muntik tapusin ang kanyang buhay noon matapos dumaan sa matinding pagsubok

Published

on

By

Isang rebelasyon ang ibinahagi ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes tungkol sa isang matinding pagsubok na kanyang pinagdaanan noong siya ay 13 taon gulang pa lamang.

Sa kanyang panayam sa TV host na si Boy Abunda ibinahagi ng aktres na sa murang edad ay sinubok ang kanyang mental health. Pakiramdam niya raw ay mayroong kulang sa kanya kaya naman ay hinahanap niya ito sa ibang tao.

Pagbabahagi niya,“Mga 13 po ako noon, tapos wala po talaga akong mahawakan and meron kasi akong void, as in may void ako sa heart ko noon”

“Lagi po akong humihingi sa Kaniya ng, ‘Bigyan mo naman ako ng isang rason, isang kaibigan, o isa lang’” dagdag pa nito.

Maging siya raw ay hindi maintindihan ang kanyang sarili dahil wala namang pinagdaraanang problema ang kanyang pamilya pero pakiramdam niya ay nasa gitna siya nang matinding pagsubok. Nawalan daw siya ng will to live at humantong pa sa gusto na niyang tapusin ang kanyang buhay.

“When you’re in so deep, hindi mo na nakikita ‘yung love na pinapakita ng iba. Sobrang lalim mo na eh, para kang may filter na itim. Magsisimula pa lang ang araw mo, ayaw mo nang simulan. Gigising ka nang ayaw mong gumising,” ani Andrea Brillantes.

Hanggang ngayon ay aminado ang aktres na mayroon pa rin siyang pinagdaraanan na pagsubok sa kanyang mental health. Dahil sa trabaho na mayroon siya, hindi raw maayos ang kanyang pagtulog at nakararanas siya ng insomia.

“Nagsimula po siya kasi maaga ako nagtrabaho. Maaga pong na-ano yung body clock ko, and kasi lagi po akong binabangungot and nagkakaroon ng sleep paralysis. Dahil d’un, nagkaroon na po ako ng fear na matulog,” saad ng aktres.

Sa kabila ng lahat ng kanyang mga pinagdaanan mula nang bata siya ay desidido ang aktres na lagpasan ang mga ito hindi lang para sa kanyang sarili kundi maging sa kanyang pamilya.

Continue Reading

Uncategorized

Toni Fowler, Nagsalita Na! Ibinunyag ang dahilan ng pagsampal kay Rob Moya sa birthday party nito.

Published

on

By

Muli na namang nalagay sa spotlight ang kontrobersyal na vlogger at influencer na si Toni Fowler matapos mag viral ang isang video kung saan nagkaroon ng gulo sa pagitan nila ng kanyang mga ex-boyfriends na sina Rob Moya, Tatay Elon at manliligaw na si Tito Vince.

Ang nasabing video ay nangyari sa birthday party ni Rob Moya sa isang club sa Quezon City. Makikita at maririnig dito ang sigawan nina Toni at Rob habang inaawat ng kanilang mga kasama. Makikita rin dito ang pagsampal ni Toni kay Rob at ang pagwa-walk out nito kasama ang kanyang manliligaw.

Sa kanyang vlog na inilabas sa YouTube ngayong araw, April 8, 2022 ipinaliwanag ng vlogger kung ano ang naging dahilan kung bakit humantong sa gulo ang masayang birthday celebration sana ni Rob.

Ayon sa kanyang pahayag, naghanda ang Toro family ng isang surprise para kay Rob sa kanilang bahay. Pagkatapos magkainan ay nagkayayaan ang kanilang pamilya na pumunta sa isang club. Ipinakita nito ang mga video clip kung saan masaya silang lahat na nag-iinuman at nagkukulitan.

“Sobrang nag-enjoy kami. Sobrang nagkukulitan kami kasi ngayon na lang ulit kami nakalabas ng pamilya ko kasama si Rob. Sine-celebrate namin ‘yung birthday niya,” unang pahayag nito.

Hanggang sa dumating na daw sa parte kung saan nagsimula ang problema.

Pag-amin nito, “Ang daming nakakita noon sa gimikan. Hindi ako makakapag-deny sa nangyari at wala po akong plano na pagtakpan ‘yung sarili ko. Alam niyo naman, I’m very open at talagang nakaopen na ang story ng buhay ko.”

Marami raw naku-curious tungkol sa kanyang lovelife at maraming nagtatanong kung ano ang ginawa niya noong gabi na iyon kaya nagdesisyon siya na magsalita na sa nasabing issue.

Dugtong pa niya, “Yes, sinampal ko si rob sa G side. Sinampal ko siya sa mismong araw ng birthday celebration niya.”

Nang malasing na raw kasi ito ay kinukulit na siya at nagiging “touchy” na ito sa kanya. Niyayakap raw siya nito at binubulungan ng kung ano ano. Gusto raw nitong makipag-ayos at pakipagbalikan sa kanya.

“Kasi kung mapapansin niyo sa video, makulit siya sakin e. Aakbay siya, yayakap,” anito.

Sinubukan niya raw itong iwasan ngunit tuloy pa rin ito kaya pinagsabihan na niya.

“Sabi ko, alam mo Rob lasing kana. Nagiging touchy kana at makulit kana masyado ganito ganyan. Ang saya saya ng celebration namin. Nagbigay pa nga siya ng speech, sabi niya mahal na mahal niya kami ng Toro fam. Siguro tama na rin ng alak nagiging touchy siya, nagiging pala-akbay,” dagdag pa ni Toni.

“Yes mali ako na sinampal ko si Rob kasi sumusobra na siya e. Niyayakap niya ako ng sobra, yun natataboy ko pa siya e. Pero ‘yung binubulong niya sakin nang paulit-ulit dun ako napikon. Sinasabi niya sakin na ‘Mommy ayusin na natin ‘to. Na hindi pa naman late ang lahat, na mahal niya pa rin ako, na ayusin na namin ‘to.”

Na-stress daw si Toni dahil masyadong magulo kausap si Rob. Halos magdadalawang taon na raw silang hiwalay at nakakabastos daw ito sa parte niya at ng kanyang manliligaw na si tito Vince.

Hindi lang sa loob ng nasabing club natapos ang gulo sa pagitan nila dahil hanggang sa makalabas sila ay nage-eskandalo pa rin si Rob Moya. Nagsisigaw ito doon at tinatanong si Toni kung ano ang nagawa niyang mali.

“Hayaan niyo ko. Sinasabi ko lang kung anong nararamdaman ko, Bakit? Anong mali sa sinabi ko?” sigaw ni Rob sa mga umaawat sa kanya.

“Tumigil ka! Tumigil ka Rob, nakakahiya ka nasa public place ka!” sigaw naman sa kanya pabalik ni Toni Fowler.

Ayon pa kay Toni, dahil daw sa taas ng emosyon sa pagitan nila ay may mga nasabi siyang hindi na dapat niya sinabi.

“After all gusto mo sabihin na mahal kita, na babalikan kita? Bakit? bakit mo kami ginanon ni Tyronia? Anong gusto mong mangyari? Anong gusto mong palabasin? After all, obvious naman diba? Mahal pa kita ganon? All this time, iniwanan mo kami diba?”

“Tatlong taon kitang minahal! Tatlong taon put*******” sigaw pa ni Rob.

Dito na nagsimulang umiyak si Toni at siya namang pagyakap sa kanya ni Tito Vince. Dito na rin nakisali ang tatay ng anak ni Toni na si Tatay Elon. Pinagmumura nito si Rob at sinabing respetuhin nito si Toni.

“Sobra kana! P****** mo! Sumosobra kana! Birthday mo ngayon sasapakin ko mukha mo! Bat ‘di mo ko harapin?” sigaw nito.

Doon na natapos ang nasabing kaguluhan.

“Di ko alam. Naguguluhan ako sa totoo lang, galit ako kay Rob hindi kami nag-uusap, hate ko siya ngayon kasi pinagugulo niya ang sitwasyon kasi ang ayos ayos ng lahat e,” ani Toni Fowler.

Sa huli ay sinabi ni Toni na dahil sa nangyari ay napagtanto niya na hindi pala lahat ng ex-boyfriend ay dapat kinakaibigan, lalo na kung hindi pa okay ang lahat.

 

Continue Reading

Trending