Connect with us

showbiz

Mark Anthony Fernandez, may inamin sa ex niyang si Claudine Barretto

Published

on

“Yes, I still love Claudine.”

Those were the exact words of Mark Anthony Fernandez. The actor blurted out this declaration of love when he reunited with ex-girlfriend Claudine Barretto after 27 years.

Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunites for an upcoming suspense-drama entitled “Deception.”

He then defended his statement by saying, “As an actress, as a friend.” He then admitted that
‘crush-wise’ he still adores Claudine.

“Crush-wise, hindi nawala ang pagka-crush ko sa kanya all these years. Kahit ano pa ang situation, lagi ko siyang crush.”

Their reunion has left Fernandez wondering about the things that could have happened if they ended up together.

“Lagi kong iniisip ‘yun,” Fernandez said. “Ang importante, close pa rin kami hanggang ngayon ni Boss Clau. Hindi man kami nagmamahalan bilang lovers, bilang magkaibigan, natutuwa pa rin ako at nakaka-usap ko siya at ganu’n din siya sa akin.

“Ang lagi kong minamahal kay Boss Clau how she is an actress and how she loves being an actress, on and off the screen. Hindi nagbago ‘yun. Hanggang ngayon, hinahangaan ko pa rin siya.”

Claudine Barretto then admits that it’s funny how Fernandez keeps on calling her “Boss Clau.”

“Nakakatuwa ang tawag niya sa akin,” Barretto said. “Nakaka-aliw talaga si Mark.”

Fernandez then talked about the project they’re working on. He claims that he would regret it if he wasn’t able to work on this project.

“Nagpasalamat ako that this film had suspense and drama. Pagsisisihan ko ‘to kung hindi ito ang nagawa ko,” he said

Given the fact that it took them 27 years to reunite on a project, Fernandez mentioned that he still can’t stop crushing on Barretto every time they have a scene together.

“Lagi akong kinikilig kay Boss Clau kapag ka-eksena ko siya,” Fernandez said. “Kinikilig din ako sa script. But I’m careful na mag-overshoot ang kilig na ‘yun.”

Meanwhile, Claudine Barretto nonchalantly talked about how their life could have been, if things were different between them.

“Ano kaya itsura ng anak namin kung nagkatuluyan kami?” Fernandez thought. “Napag-usapan namin ‘yan. Para sa akin, hindi pa huli ang lahat. Who knows, I will still get an access na ligawan siya again, bakit hindi?”

It was in 1995 when Barretto and Fernandez last worked together in a romantic film “Mangarap Ka”

“Dito sa ‘Deception,’ nag-uusap kami ni Mark kung ano gusto naming gawin sa scene,” Barretto disclosed. “Walang ilangan. Happy ako. Ano pa ba ang pwedeng hilingin?

“Palagi kaming nagtatawagan ni Mark while shooting this movie regarding the issues, scenes namin sa movie.”

On Fernandez’s part, he revealed that they were supposed to work on a project before but it never happened.

“More excitement ang feeling ko,” he said. “Matagal na dapat kaming gumawa ng reunion movie, hindi lang natutuloy.

“Naka-tsamba kami sa script nitong ‘Deception.’ I think this is the script na bagay talaga sa amin.”

“Deception,” which is their current project is set to air on Vivamax this coming January 28.

news

Pag-aaway ni Baron Geisler at asawa nito, viral! Baron kailangan ulit ipa-rehab ayon sa kanyang misis?

Published

on

By

Kasama sa mga naging topic sa “Showbiz Update” vlog ni Ogie Diaz kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Mama Loi, Tita Jegs, at Brena ang viral na video ng pag-aaway ng aktor na si Baron Geisler at asawa nitong si Jamie.

Ang nasabing video ay in-upload mismo ni Baron sa kanyang Instagram account ngunit agad ding binura. Dahil dito ay usap-usapan na aksidente lamang itong nai-post at hindi sinadya.

Ayon kay Ogie, makikita sa video ang pagtatalo ng mag-asawa kung saan nakahiga si Baron sa isang kama habang nagsesermon si Jamie.

Kwento niya, “Nasa kama si Baron tapos parang tumatalak ang misis niya at ang sabi, ‘Ano? Gusto mo magpasaklolo? Tawagan mo ‘yung sugar mommy mo. Ano? Gusto mo magpaano sa gwardya?’”

Sa galit ng asawa ni Baron ay binato siya nito ng isang container na mayroon pang laman na sabaw. Kumalat ito sa kanyang binti at sa kama kung saan siya nakahiga.

“Oh my God! What is this? Sinong kailangang i-rehab?” gulat na reaksyon ni Baron sa ginawa ng asawa.

Ayon pa sa kay Ogie Diaz, maaaring ang ibig sabihin dito ng aktor ay hindi siya ang dapat na ibalik sa rehab kundi ang kanyang misis dahil sa ginawa nitong pagbato sa kanya.

Natanong naman ng mga kasama ni Ogie sa nasabing vlog kung ano ang maaring rason sa pagtatalo ng dalawa gayong nagbagong buhay na ang aktor at nagbalik-loob na sa Panginoon.

Sagot ni Ogie, maaring hindi pa tuluyang natatalikuran ni Baron ang pag-iinom ng alak dahil mayroon siyang nabalitaan na hanggang ngayon ay nag-iinom pa rin ang aktor paminsan. Nauunawaan niya naman daw dahil hindi madaling umiwas sa nakasanayan na.

Aniya, “Ako ha, feeling ko lang. Kilala ko si Baron. E hindi, hindi pa rin makakatiis si Baron, iinom at iinom pa rin yan. Akala ko nga completely healed at completely reformed na si Baron.”

Sa huli ay sinabi ni Ogie na wala rin siyang ideya kung ano ang maaring pinagtalunan ng mag-asawa. Hayaan na lamang daw na ang dalawa ang magpaliwanag nito.

“Panget naman, para tayong mga Marites dito na naghihinu-hinuha kung ano ang naging cause ng kanilang away pero hayaan mo na sila ang magpaliwanag niyan,” dugtong pa ni Ogie.

Pinayuhan na lamang niya ang mga ito na ayusin ang mga problema nang pribado at huwag nang i-post sa social media upang hindi na pagpiyestahan ng publiko.

Anong reaksyon mo sa balitang ito? Share your thoughts!

Continue Reading

Celebrities

Rey PJ Abellana, binawi ang naunang pahayag tungkol sa pagkakaroon ng one night stand ni Tom Rodriguez

Published

on

By

Binawi ng batikang aktor na si Rey “PJ” Abellana, ama ni Carla Abellana, ang naunang pahayag nito na mayroong naka-one night stand ang kanyang manugang na si Tom Rodriguez.

Sa kanyang panayam sa GMA News kamakailan lamang, ibinahagi ni Rey PJ na kinausap siya ni Tom tungkol sa bagay na ito at sinabi ni Tom na walang katotohanan ang mga paratang at akusasyon sa kanya.

Ayon daw sa aktor, walang one night stand na nangyari.

Kwento ni Rey PJ, “At first, nalaman ni Carla na may issue na one-night stand na involved si Tom. Si Tom naman already able to explain kay Carla na wala naman din pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari iyon.

“Wala pong natuloy na one-night stand according to Tom’s side,” paglilinaw pa niya.

Sa kanilang pag-uusap daw ni Tom ay paulit-ulit nitong sinabi sa kanya kung gaano nito kagusto na magka-ayos sila ng kanyang asawang si Carla.

Umiyak pa raw si Tom sa kanyang harapan at ipinaliwanag kung gaano niya kamahal si Carla kaya niya ito pinakasalan.

Lahad pa ng beteranong aktor, “When he came over to talk to me and explain his side, he would cry along with his explanations and everything and he keeps on saying na, he wants his wife back.

“He wants Carla back. He loves Carla very much that’s why they settled down.”

Sa nasabing panayam, inamin din ni Rey PJ na nagalit sa kanya ang anak na si Carla dahil sa mga pahayag niya tungkol sa ‘di umano’y hiwalayan ng dalawa.

Matatandaang sa panayam kay Cristy Fermin, ipinunto ni Rey ang ilang bagay tungkol sa “breakup” ng mag-asawa. Una, ang one-night stand issue, na binawi lang rin ni Rey kalaunan; pangalawa, kung paano siya naniniwala na si Tom ay hindi bakla; at pangatlo kung paano niya naiintindihan ang ‘di umano’y pagtataksil ni Tom.

Kinausap daw siya ng kanyang anak na si Carla tungkol sa mga naging pahayag niya. Nang magpaliwanag siya dito ay hindi na raw nag-reply pa ang aktres sa kanyang mga mensahe.

“She was mad. She was questioning me, why it came up that way. Of course, I explained it to her right away and after explaining my side, hindi na din naman siya nag-message ulit,” anito.

Matatandaang January ngayong taon, ilang buwan ang nakalipas matapos ikasal sina Carla at Tom ay umugong ang balita na hiwalay na ang dalawa.

Hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na pahayag ang dalawa tungkol sa mga kontrobersiyal na isyu tungkol sa kanila.

Anong reaksyon mo sa balitang ito? Share your thoughts!

Continue Reading

Celebrities

Isang sikat na aktres, binugbog di umano ng kanyang boyfriend!

Published

on

Before she was rescued by the authorities, sexy star Ana Jalandoni sent a message to her friends asking them to help her because her boyfriend is killing her.

The Women’s Desk in Tagaytay City Police is currently investigating both Kit Thompson and his girlfriend, Ana Jalandoni.

According to the Philippine Entertainment Portal who were able to get in touch with the authorities in Tagaytay City Police, at around 6:29 in the morning of March 18, 2022, when they received a 911 call from a woman who suffered from injuries and is asking for help.

Tagaytay Police quickly responded to the call and later on discovered that the victim who sought help was Ana Jalandoni. The incident took place in Amega Hotel located in Km. 54 in Emilio Aguinaldo Highway, Silang Junction South, in Tagaytay City.

The sexy star was immediately brought to Tagaytay Medical Center to get the treatment she needs while Kit Thompson was sent in Tagaytay Police Station for an investigation.

Before Ana was rescued by the Tagaytay Police, she was still able to send a message to her friend to ask for help. she did not only send a chilling message but she also attached a photo that showed the injuries on her face.

“Please help me! Please call police!!! Keith is killing me. Please please help me,” Ana’s message to her friend reads.

According to the reports, Ana Jalandoni asked her friends not to call her cellphone because it might awaken her boyfriend.

It was also confirmed by PEP.PH from the hotel itself that Ana and Kit did check-in on their hotel however, they refused to give any information about what happened.

The friends and co-celebrities of Kit and Ana were shocked by the news and didn’t even thought that their relationship would end up in an investigation because of assault.

It has only been three months since Kit Thompson made the announcement on his Instagram account back in December 15, that he’s in a relationship with Ana Jalandoni.

Kit Thompson is a former housemate in Pinoy big Brother Teen Edition 4 back in 2012 while Ana Jalandoni was introduced as a sexy actress when she starred in the movie “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” that was released back on January 2021.

Continue Reading

Trending