Connect with us

Celebrities

Isang matandang pulubi, napaiyak ang may ari ng tindahan matapos mag ipon at bilhin ang bagay na ito

Published

on

Ang pagmamahal ng magulang ay wagas at kailanman ay hindi mapuputol. Kahit pa sa kabilang buhay ay handang ipaabot nito ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga supling.

Ang mag-asawang Sally at Howard ay mayroong isang maliit na karinderya. Mula doon ay kita nila ang barong-barong ni Mang Henio sa ‘di kalayuan.

Si Mang Henio ay kilalang mangangalakal sa kanilang lugar, sapagkat kahit matanda na ito ay kumakayod pa rin ito at nagbabanat ng buto.

Nang gabing iyon ay kinausap ni Sally ang kaniyang mister upang ipakiusap na palaging ayain si Mang Henio sa kanilang karinderya. Natuwa naman si Howard dahil sa kabutihang taglay ng misis ngunit pinakiusap niya rito na kung maari ay pakainin lamang si Mang Henio kapag wala nang customer nang hindi magreklamo ang mga ito sa amoy ng matanda.

Masayang pumayag si Sally at inaya ang matanda na kumain sa kanilang karinderya. Noong una ay nahihiya pa ito ngunit nang maglaon ay tila ba naging palagay na ang loob ng matanda sa mag-asawa.

Isang araw, nakiusap si Mang Henio na kung maari ay samahan siya ni Sally sa mall upang bumili ng sapatos. Masaya si Sally, at excited na sinamahan ang matanda kaya naman natatawa lamang ito sa kaniyang inaasta.

Nang makarating sa tindahan ng mga sapatos ay namili si Mang Henio ng isang pares ng sapatos na size 6. Akala ni Sally ay para ito sa sarili niya ngunit dahil sa sukat nito ay naisip niyang para sa apo ito ni Mang Henio. Tinulungan ni Sally ang matanda upang bilangin ang mga nakarolyo nitong sikwenta pesos, mga ipon niya mula sa pangangalakal.

Nang matapos mamili ay sinama ni Mang Henio si Sally sa pagbibigyan niya ng sapatos. Nagulat si Sally ng dalhin siya nito sa isang puntod. Matagal nang patay ang anak ni Mang Henio ngunit ngayon lamang siya nakaipon ng pera pambili ng sapatos na hinihiling ng kaniyang anak.

Naluha si Sally sa narinig at dagliang sinabi kay Mang Henio na sana ay hindi na lamang ito bumili ng sapatos, bagkus ay pinanggastos na lamang para sa sarili ang pera dahil maiintindihan naman ito ng kaniyang anak.

Ngunit, umiling si Mang Henio. Kahit sa huling pagkakataon, kahit pa mahirap ang buhay, nais niyang iparating ang kaniyang pagmamahal sa anak. Nais niyang tuparin ang kagustuhan nito hanggang dulo dahil iyon ay responsibilidad ng magulang, ang mahalin at ibigay sa anak ang mga bagay na makakapagpasaya sa mga ito.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Celebrities

Isang Sikat Na Komedyante Viral Matapos Sabihin Ang Bagay Na Ito Sa Mga Kapwa Artistang Lumipat Ng Ibang Network

Published

on

By

Dahil sa kasalukuyang nangyayari sa bansa, ipinahayag komedyante at direktor na si John “Sweet” Lapus na naiintindihan niya ang sitwasyon ng mga artistang kinailangan lumipat ng istasyon.

Base sa kaniyang karanasan, pinaliwanag ni Sweet na maaring kailangan talagang kumayod ng mga ito para sa kani-kanilang mga pamilya, lalo na kung walang proyekto ang nag-aabang para sa mga ito.

“Ako, naiintindihan ko, kasi I did the same thing. From ABS-CBN, nag-GMA ako. And after seven years in GMA, bumalik ako sa ABS. Naiintidihan ko lalo na kung wala namang trabaho. And ngayong may pandemya, everybody needs to work,” pahayag ng komedyante sa Calamansi App podcast ng PEP, July 14 ng gabi.

Sa panayam na ito, isinaad ni John na sana lamang ay magkaroon ng maayos na komunikasyon at pagpapaalam bago lumipat ng istasyon.

“Sana lang maging maayos ang kanilang pagpapaalam or, I mean, basically magpaalam kahit na wala ka ng contract or wala ka ng commitment to whatever network that you are in,” saad niya na wari ay mayroong pinapatamaang partikular na artista.

Sinabi rin nito na dapat magkaroon ng maayos na pamamaalam at hindi dapat magsunog ng tulay para lamang sa paglipat ng istasyon.

“Magpaalam ka nang maayos kung lilipat ka sa kabilang network. Dahil may kasabihan… totoo ang kasabihan na ‘you should never burn bridges’,” dagdag pa niya.

Ang mga tinuran ng nasabing komedyante ay base mismo sa kaniyang karanasan nang siya ay magpalipat-lipat ng istasyon, taong 2006 at 2013.

“Na ako talaga, I made sure na bago ako lumipat sa GMA nung 2006 from ABS, nagpaalam ako nang maayos.And then nung 2013, nung bumalik ako sa ABS, nagpaalam din ako nang maayos sa GMA. So yun, para maayos, walang taong nasasaktan, walang nagagalit, at maging positive ‘yang paglipat to wherever network, di ba?” pagbabahagi ni John sa kaniyang karanasan ng pangingibang bakod noon.

Ang isyung ito ay umingay simula nang maraming mga ABS-CBN talents gaya nina Pokwang, Beauty Gonzales, Bea Alonzo, pati na rin si Johnny “Mr. M” Manahan, ang stat builder, co-founder, at dating chairman emeritus ng Star Magic.

Normal at inaasahan naman ang ganitong pangyayari nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, subalit, mas maingat lamang ngayon ang paglipat ni Bea dahil mayroon ‘di umano itong unfinished project sa ABS-CBN nang siya ay lumipat.

 

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Celebrities

Video ni Andrea Brillantes na ginagawa ang bagay na ito sa taping, nag viral

Published

on

By

Some filmmakers and film editors fail to notice bloopers, which are subsequently uncovered by the audience.

Andrea Brillantes made a mistake while performing a dramatic part in an episode of the sitcom “Huwag Kang Mangamba.”

Mira (Andrea) was meant to be relocated to another room without the rest of the family knowing, but they were almost caught by Agatha (Mercedes Cabral), and it was at this moment that the actress may have lost it and smiled.

In one of the most terrifying scenes of the program, the reported terribly sick and deeply asleep Mira (Andrea) smiled unexpectedly.

There is a scenario in that episode, which aired on July 15, 2021, where friends Barang (Sylvia Sanchez) and Pio (Seth Fedelin) moved the ailing Mira to another room without the rest of the family knowing.

Agatha (Mercedes Cabral), who knocked on the door unexpectedly, almost caught the two, leading Barang and Pio to cover the sleeping Mira. Andrea’s TikTok fan account noticed that Andrea smiled at the stressful moment, despite the fact that she was presumably sleeping. What was happening on around her must have amused the actress.

“Mira, bakit ka naman tumawa?” the first part of the caption on the video read, while the second one said, “Mira, akala ko ba may sakit ka? Huli ka @blythe!”

Andrea’s TikTok username is Blythe, which happens to be her nickname.

Here are some of the comments on TikTok about Andrea’s blooper:

“hahahhaa kitang kita ung pagtawa”

“bakit di nila nakita or ni cut man lang”

“rinig ko yung tawa niya”

“si barang kasi [two laughing emojis] tawa talaga ako kay barang”

“natawa siya dahil kay ate b”


What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Celebrities

Kylie Padilla, totoo nga bang iginiit na walang kasalanan si Aljur Abrenica sa kanilang hiwalayan?

Published

on

By

Hanggang ngayon ay laman parin ng kaliwa’t kanang mga balita ang hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Maraming mga usap-usapan patungkol sa third party na siyang dahilan umano ng hiwalayan ng aktres at ng kaniyang asawa; ngunit tila walang sinisisi si Kylie sa nangyari, ayon sa kaniyang Instagram post noong huwebes, Hulyo 15.

Sa Instagram post ng nasabing aktres, inihayag niya na hindi mahalaga kung sino ang dapat sisihin sa mga nangyari, bagkus, ang dapat bigyan ng pansin ay ang pagkatuto sa mga karanasan o pinagdaanan ang isang tao.

“In the end the best thing to do is not to blame anyone for the things that happened BUT to observe where you could have done better,” saan ni Kylie sa caption ng kaniyang Instagram post.

At ipinapakita rin ng aktres sa kaniyang caption na imbis magkaroon ng sama ng loob sa dating asawa ay mas pinipili na maging positibo sa buhay. Nais niyang gawing aral ang nangyari at manahimik sa kabila ng kabi-kabilang mga isyu dahil sa kanilang hiwalayan ni Aljur, at ngayon ay masaya siyang nagmo-move forward sa buhay.

“Life is about growth. Silence the noise and make the best out of your life. Claim it, I’m happy, I’m healthy, I’m alive. I’m hoping the same for you,” dagdag pa ng aktres.

Ngunit, bagaman mas pinipili ni Kylie ang manahimik sa mga isyu, marami ang umuusisa kung totoo nga ba ang mga balitang si JM de Guzman ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Marami rin ang nagsasabi na masyadong “high maintenance” umano ang aktres at hindi umano kayang sustentuhan ni Aljur ang mga luho ni Kylie kaya’t nakipaghiwalay ito sa kaniya— isang bagay na pinabulaanan ng aktres.

Mariing inihayag ni Kylie na magkaibigan lamang sila ni JM at wala nang iba pang namamagitan sa kanilang dalawa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending