Connect with us

local

Mga Panganib Sa Katawan Na Maaring Idulot Ng Sobrang Pag Konsumo Ng Soft Drinks, Alamin Dito!

Published

on

Isa ka ba sa mga mahilig uminom ng soft drinks?

Kung oo, naku, dapat ay malaman mo ang mga delikadong epekto na maaring idulot nito kapag nasobrahan ng konsumo!

At gaya nga ng sabi ng mga doktor, ang lahat ay may limitasyon.

Kahit ang mga bagay na natural na may magadang dulot at nutrisyon ay hindi pa rin dapat nasosobrahan!

Paano pa kaya ang soft drinks, na isa sa mga junk food?

Ayon sa pinoyhealthyinfo.com, narito ang maaring maging bunga ng hindi balanseng pag konsumo ng mga soda.

DIABETES
Dahil sa sobrang dami ng asukal sa softdrinks, maaari tayong magkaroon ng diabetes. Ang diabetes ay panghabang buhay na sakit dahil walang gamot para dito. Ang mga diabetes patient ay kailangang mabago ang lifestyle upang hindi lumala ang kanilang sakit.

NAKAKASIRA NG BUTO
Ang calcium ay isa sa mga kailangan ng buto upang tumibay, ngunit ang mga mga softdrinks ay nagtataglay ng sobrang phosphoric acid na pumapatay sa calcium ng katawan. Maaari itong humantong sa osteoporosis at pagkasira n gating buto.

OBESETY/PAGTABA
Ang matatamis na pagkain at inumin ay nakakataba at nakakalaki ng tyan o belly fats.

CANCER
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong mahilig uminom ng softdrinks ay may mas mataas na tyansang magkaroon ng cancer.

PAGKASIRA NG NGIPIN
Ang mga acid ng softdrinks tulad ng phosphoric at carbonic acid ay maaring pagmulan ng cavities at pagkabulok ng ngipin.

GOUT ARTHRITIS
Ang gout ay ang pamamaga at pagkirot ng mga kasu-kasuan lalo na sa paa. Ito ay lumalabas kapag may mataas na uric acid sa ating dugo at nagiging crystallized.

Ang softdrinks ay nagtataglay ng fructose corn syrup na nagpapataas ng serum acid level.

Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong mahilig uminom ng softdrinks ay may mataas na tyansang magkaroon ng gout arthritis.

HEART DISEASES
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong mahilig uminom ng matatamis na inumin araw-araw ay may 20% na tyansang makaranas o mamatay sa heart attack kumpara sa mga taong hindi gaanong umiinom ng softdrinks.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Fictional

Akala Ng Babae Ay Gusto Siya Ng Lalaking Madalas Nakatitig Sa Kaniya Sa Restaurant, Naiyak Siya Matapos Malaman Ang Tunay Na Rason!

Published

on

By

Galing sa isang mapang abusong relasyon si Sarah na nagtagal ng halos apat na ton.

Matapos noon ay nagpasya na lamang siyang ituon ang kaniyang pansin sa sarili, at doon nagsimula ang pagtatayo niya ng negosyo na katagalan ay naging isang matagumpay na restaurant.

Katulong niya ang kaniyang pinsan na si Matilda sa pagpapatakbo ng restaurant.

Isang araw, may isang matipunong lalaki ang dumalaw sa kanilang kainan na pumukaw sa atensyon ni Sarah.

Bukod kasi sa kagwapuhang taglay nito ay tingin pa nang tingin ang lalaki sa kaniya.

Napadalas na rin ang pagdalaw ng lalaking ito sa kaniyang restaurant hanggang sa naging suki na rin siya.

Tila naging isang laro naman ang ginagawang titigan ng dalawa, dahil sa tuwing naroon ang lalaki ay maigi niyang pinapanuod si Sarah sa kaniyang ginagawa.

Kung todo sulsol naman ang pinsan niyang si Matilda na naniniwalang may pagtingin sa kaniya ang lalaki.

Kung kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan upang makapag usap na ang dalawa, at hindi nga nagkamali si Matilda, gusto nga siyang makilala ng binata!

Napag alaman din niya na Harry ang pangalan ng guwapong lalaki, at inaaya nito si Sarah sa isang dinner.

Nagtititili naman ang mag pinsan dahil dito, at agad nang nag tuksuhan dahil sa wakas, magkaka love life na ulit si Sarah!

Ayon pa sa babae ay kapag niligawan siya ni Harry ay agad niyang sasagutin ito.

Sumapit na ang gabing pinaka iintay ng mag pinsan at nagkita na nga ang dalawa.

Todo asa naman si Sarah na magiging isang napaka gandang gabi ito, ngunit hindi niya inaasahan ang mga susunod na katagang binitawan ni Harry.

“Kaya ako nasa restaurant mo palagi dahil napaka sarap ng pagkain. Pinapanuod din kita to observe, kasi balak naming magtayo ng fiance ko ng restaurant, and I find you a very good manager.”

Sobrang napahiya sa sarili ang dalaga na hindi niya napigilan na maluha, kung kaya naman gumawa na lamang siya ng dahilan upang umalis sa dinner agad-agad.

Umuwing luhaan ang dalaga, at agad na nagsumbong kay Matilda.

Mula ngayon, aniya, ay hindi na siya basta-basta aasa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!”

Continue Reading

Fictional

Nagtitinda ng taho, may hindi inaasahang karanasan sa isang pulubi na nanglimos ng paninda niya!

Published

on

By

Matagal ng nagtitinda ng taho si Elmer sa kanilang lugar.

Sa loob ng 20 taong pamamalagi niya sa ganitong trabaho ay naka saksi na siya ng iba’t ibang kuwento, at napanuod niya na rin kung paano lumaki at nagtapos ng pag aaral ang mga batang naging suki niya noon.

Kilalang-kilala na rin siya sa kanilang lugar dahil siya lang ang kaisa-isang tindero ng taho sa kanilang baranggay, at ganoon din siya.

Kung kaya naman laking pagtataka niya noong may nakita siyang pulubing palaboy-laboy sa kanilang kalsada, tila ligaw na ligaw at gulong-gulo sa nangyayari.

Hinahayaan lamang niya ito, dahil hindi naman gawain ni Elmer na kumausap ng mga taong hindi naman bumibili sa kaniya.

Ngunit patagal nang patagal ay mas lalong nagiging curious ang tindero dahil sa tuwing makikita niya ang pulubi ay nag bibilang ito ng pera.

Madalas niya rin itong nakikitang mamalimos, ngunit ni minsan ay wala rin siyang kinausap na kahit sino sa kanilang lugar.

Pero ang nakakapag taka ay kilalang-kilala siya ng mga bata, at tila kaibigan pa nila ito!

Isang araw, hinabol ng pulubi si Elmer upang bumili ng kaniyang tindang taho.

Laking gulat naman ng lalaki ng sabihin ng palaboy na nais niyang bumili ng 20 piraso!

At dahil may pambayad naman ay agad naman itong ibinigay ni Elmer sa kaniya, at hindi niya inaasahan ang susunod niyang nasaksihan.

Isa-isang ibinigay ng palaboy ang mga taho sa mga bata, at tuwang-tuwa naman ang mga ito sa ginawa niya!

At noong tanungin niya ang isa sa mga bata ay nalaman niyang paboritong kalaro nila ang nasabing pulubi dahil madalas niyang kinekwentuhan ang mga bata tungkol sa kaniyang dating buhay.

Isa pala itong dating manunulat na tinulikuran ng kaniyang pamilya matapos malulong sa ipiniagbabawal na gamot.

At ngayon, kahit na hindi kaaya-aya ang estado ng kaniyang buhay ay masaya na siyang may mga kaibigan siyang mga bata na tanggap siya kung ano man siya.

Kung kaya naman ang kalahati sa pinag limusan niya ay madalas niyang ipinang bibili ng pagkain ng mga ito, kagaya na lamang ng taho na binili niya kay Elmer.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!”

Continue Reading

Inspirational

KINWESTYON NG ALE ANG DALAWANG LALAKING MAG-ASAWA NA MAY INAMPONG BATANG BABAE, NGUNIT IPINAGTANGGOL SILA NG TAONG HINDI NILA INAASAHAN!

Published

on

By

Halos siyam na taon na ring nag mamahalan ang mag asawang si Russel at Ian, at kahit taliwas man ang paniniwala ng nakararami sa pag iibigan nila ay hindi ito naging hadlang upang umangat sila sa buhay at maging masaya.

Kolehiyo noong nagkakilala ang dalawa. Magkaklase sila sa isang klase sa Biology at namangha si Russel sa katalinuhang taglay ni Ian.

Mula noon ay naging malapit na magkaibigan sila, hanggang sa naging magkarelasyon at napag desisyunang magpakasal sa ibang bansa.

At dahil legal na rin doon ang pag aampon ng mga same sex couple ay matutupad na rin ang matagal na pangarap ni Russel na maging ama.

Likas din namang mahilig sa bata si Ian kung kaya naman talagang excited ang dalawa na madagdagan ng bagong miyembro ang kanilang pamilya.

At doon dumating sa buhay nila si Rose, dalawang taong gulang, inabandona ng mga magulang sa bahay ampunan na walang saplot at sobra sa kapayatan.

Ayon pa sa pamahalaan ng ampunan ay maaga ring namulat sa abuso ang bata, kung kaya naman nangangailangan ito ng matinding pagmamahal.

At iyon ng ang ginawa ng mag asawa. Pinunan nila ang lahat ng pagkukulang ni Rose, hanggang sa ito ay naging napaka lusog at masayahing bata.

Pitong taong gulang na si Rose aat madalas pa ring makatanggap ng diskriminasyon ang kaniyang mga magulang dahil sa klase ng pamilya na meron sila.

Minsan ay isang ale ang namahiya sa dalawa, at sinabing kailanman ay hindi magiging masaya ang bata na walang ina, ngunit hindi pa man nakakapag salita si Ian a Russel ay agad na silang pinagtanggol ng mga taong nakarinig sa komosyon.

Isa na rito ang mismong pari ng kanilang bayan, na naging saksi ng pag-aalaga ng dalawa kay Rose.

“Kinupkop at minahal nila ang isang bata na walang awang binugbugbog at inabandona ng kaniyang mga lasinggerong magulang, para sa akin ay kailanman hindi magiging kasalanan ay pagpapalaganap ng pag ibig at pagbibingay pag-asa sa buhay ng isang inosenteng bata.” ani nito.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending