Connect with us

Inspirational

Isang babaeng napakaganda, napili ang napakawalang kwentang lalaki sa lahat ng kanyang manliligaw! Bakit kaya?

Published

on

May mga bagay talaga tayong mahirap unawain, at para kay Lea, ang dahilan ng pananatili ng kaibigan niyang si Myka sa piling ng kaniyang mapanakit at walang trabahong nobyong si James ang isa rito.

Halos limang taon na rin ang relasyon ng dalawa, at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakikitang usad dito, gaya na lamang ng pangakong pagbabago ng lalaki upang sa wakas ay makapag simula na silang muli.

Napapagod na rin si Lea na ipagtanggol at patahanin si Myka sa tuwing tumatakbo ito sa bahay niya, umiiyak at puro pasa dahil binugbog na naman sya ng kaniyang nobyo.

At sa tuwing bumabalik ito sa piling niya ay nanggigigil man, wala nang magagawa si Lea dahil ito na ang desisyon ng kaniyaang kaibigan.

Ngunit bakit nga ba?

Bakit kahit halos bawian na siya ng buhay sa lahat ng pananakit na ginagawa nito ay hindi niya pa ring magawang umalis?

Sigurado si Lea na hindi na siya mahal ni James, dahil kaliwa’t kanan na rin naman ang babae nito.

At noong sinubukan niyang paaminin si Myka kung bakit ay hindi siya makapaniwala sa narinig.

Ilang beses na pa lang muntik magkaroon ng anak ang dalawa ngunit palaging nakukunan ang dalaga, kung kaya naman hindi niya maiwan si James dahil na kokonsensya siyang hindi niya ito mabigyan ng anak.

Ipina intindi naman ni Lea na kung hindi maging kayang matino at disenteng tao ni James ay kailan man hindi siya nararapat mabiyayaan ng anak!

Lagi rin siyang binabantaan na sasaktan ang buong pamilya niya kung iiwan niya ito, at hahanapin siya ng binata at kikitilan ng buhay!

At eto na ang huling tulak ni Lea upang manghiimasok sa kanilang relasyon at tumawag ng pulis.

Kailangan nang makalaya ng kaibigan, at makulong ng napaka walang kwentang lalaking iyon.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Fictional

Ipaprank Sana Ng Babae Ang Nobyo Para Sa Valentine’s Day, Ngunit Hindi Niya Inaasahan Ang Nangyari At Naabutan Niya!

Published

on

By

Matagal na ring magkasintahan si Andy at Marita.

Sa loob ng siyam na taon ay lubos na nilang kilala ang isa’t isa, at masasabi mong sigurado na rin sila sa balak nilang tahakin sa kanilang buhay.

Hindi madalas mag away ang magkasintahan, dahil malaki rin ang tiwala ni Marita sa kasintahan.

Ni minsan kasi ay hindi ito nag loko, at tutok lamang sa trabaho kung kaya naman madalas ding paliguan ng dalaga ang kaniyang nobyo ng kung anu-anong regalo dahil labis na lamang ang pagka tuwa niyaa rito.

Nalalapit na rin ang araw ng mga puso at nakaisip si Marita ng pakulo upang mawala naman ang stress ng binata mula sa trabaho nito.

Nais niyang supresahin ang nobyo sa mismong Valentine’s Day, kung kaya naman nagsimula na siyang mag handa para sa kaniyang regalo.

Una muna ay ipinaalam niya sa kasintahan na hindi siya magiging libre para sa araw na iyon, ngunit hindi niya alam na parte lamang ito ng kaniyang pag papangap para sa kaniyang pasabog.

Maagang dumating si Marita saa condo ni Andy, isang oras bago pa man dumating ang binata galing sa kaniyang trabaho.

Noong nadarama niyang malapit na ang binata ay agad siyang nagtago sa ilalim ng kama upang takutin sana ang lalaki.

Bagkus, siya mismo ang natakot nang makita niyang may kasama ang nobyo na isang babae, at mula sa kanilang pagkakatayo ay kumpirmadong magkayakap ang dalawa at naririnig niyang naglalambingan pa.

Hindi kinaya ni Marita ang mga pangyayari kung kaya naman gumawa siya ng paraan upang makatakas sa unit bago pa man siya mahuli.

Matapos noon ay agad niyang blinock si Andy sa lahat ng kaniyang social media at hindi na nagparamdam pa.

Para sa kaniya, sapat nang eksplanasyon ang nakita niya upang talikuran ang relasyon nila.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

Fictional

Akala Ng Babae Ay Gusto Siya Ng Lalaking Madalas Nakatitig Sa Kaniya Sa Restaurant, Naiyak Siya Matapos Malaman Ang Tunay Na Rason!

Published

on

By

Galing sa isang mapang abusong relasyon si Sarah na nagtagal ng halos apat na ton.

Matapos noon ay nagpasya na lamang siyang ituon ang kaniyang pansin sa sarili, at doon nagsimula ang pagtatayo niya ng negosyo na katagalan ay naging isang matagumpay na restaurant.

Katulong niya ang kaniyang pinsan na si Matilda sa pagpapatakbo ng restaurant.

Isang araw, may isang matipunong lalaki ang dumalaw sa kanilang kainan na pumukaw sa atensyon ni Sarah.

Bukod kasi sa kagwapuhang taglay nito ay tingin pa nang tingin ang lalaki sa kaniya.

Napadalas na rin ang pagdalaw ng lalaking ito sa kaniyang restaurant hanggang sa naging suki na rin siya.

Tila naging isang laro naman ang ginagawang titigan ng dalawa, dahil sa tuwing naroon ang lalaki ay maigi niyang pinapanuod si Sarah sa kaniyang ginagawa.

Kung todo sulsol naman ang pinsan niyang si Matilda na naniniwalang may pagtingin sa kaniya ang lalaki.

Kung kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan upang makapag usap na ang dalawa, at hindi nga nagkamali si Matilda, gusto nga siyang makilala ng binata!

Napag alaman din niya na Harry ang pangalan ng guwapong lalaki, at inaaya nito si Sarah sa isang dinner.

Nagtititili naman ang mag pinsan dahil dito, at agad nang nag tuksuhan dahil sa wakas, magkaka love life na ulit si Sarah!

Ayon pa sa babae ay kapag niligawan siya ni Harry ay agad niyang sasagutin ito.

Sumapit na ang gabing pinaka iintay ng mag pinsan at nagkita na nga ang dalawa.

Todo asa naman si Sarah na magiging isang napaka gandang gabi ito, ngunit hindi niya inaasahan ang mga susunod na katagang binitawan ni Harry.

“Kaya ako nasa restaurant mo palagi dahil napaka sarap ng pagkain. Pinapanuod din kita to observe, kasi balak naming magtayo ng fiance ko ng restaurant, and I find you a very good manager.”

Sobrang napahiya sa sarili ang dalaga na hindi niya napigilan na maluha, kung kaya naman gumawa na lamang siya ng dahilan upang umalis sa dinner agad-agad.

Umuwing luhaan ang dalaga, at agad na nagsumbong kay Matilda.

Mula ngayon, aniya, ay hindi na siya basta-basta aasa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!”

Continue Reading

Inspirational

Isang Bata Na Inaalalayan Ang Kaniyang Ina Na Natutulog Sa Tren, Umantig Sa Puso Ng Nakararami!

Published

on

By

Mag isang pinalaki ni Belinda ang walong taong gulang na anak niyang si Tory.

Bata pa lamang kasi ang supling niya ay iniwan na siya ng ama nito upang sumama sa ibang babae. Kung kaya naman para kay Belinda ay siya lamang ang nag iisang magulang ni Troy, dahil ni minsan ay hindi man lang nagpakitang interes ang dati niyang asawa na itaguyod ang bata.

Tinuruan niya itong maging mabait, magalang at higit sa lahat marespeto sa mga babae.

Isang araw, habang papauwi ang dalawa galing sa isang mahabang lakaran ay nakaramdam ng matinding pagod si Belinda.

Maigi na lamang at may kaluwagan ang tren na sinasakyan nila at naka upo silang mag-ina.

Sandali munang nagkulitan ang dalawa dahil punong-puno pa rin ng kuwento si Troy sa ina, hanggang sa maya-maya pa ay bumabagsak na ang mata ni Belinda sa sobrang pagod.

Patulog na sana siya noong biglang dumami ang dami ng sakay ng tren, at isang pasahero ang pumukaw sa pansin ng bata.

Isa itong babae na may dala-dalang stroller, may laman itong bagong panganak na sanggol.

Kung kaya naman agad na tumayo ang bata upang ibigay ang upuan para sa babae, at tumayo katabi g kaniyang ina.

At dahil alam niyang pagod na si Belinda ay kinuha na muna niya ang mga bag na dala-dala niya upang masiguradong hindi siya maabala kada mahuhulog ang mga ito.

Nag silbing unan din ang kaniyang kamay na nakakapit sa hawakan upang hindi manakit ang mukha ng ina na naka sandal sa bakal.

Isa sa mga pasahero ang kumuha ng litrato ng mag ina, at agad itong nag viral sa social media

Kinabukasan ay laking gulat na lamang ni Belinda nang makarating ang larawang ito sa kaniya.

Kada tinititiga niya ang larawan ay hindi niya mapigilang ngumiti dahil alam niyang napalaki niya ng tama ang anak kahit mag isa lamang siya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

Trending