Connect with us

Fictional

Handa na siyang magbagong buhay at ipakilala sa pamilya ng kaniyang nobyo, ngunit nabunyag ang kaniyang sikreto!

Published

on

Matagal na ring umiiwas sa pag ibig si Angela, sa pag aakalang wala ng lalaki na magmamahal pa sa kaniya dahil iyon ang una niyang nasaksihan sa kaniyang ama na iniwan sila ng kaniyang ina para sa ibang lalaki.

Kung kaya naman para sa dalaga, walang relasyong magtatagal kung patuloy lamang itong sisirain ng taong pinagkakatiwalaan mo.

Bukod pa roon ay mulat na rin siya sa kakaibang industriya na pinag tatrabahuan ng kaniyang ina, na isang mananayaw sa isang bar.

At dahil wala rin naman siyang ibang alam gawin ay ito na rin ang kaniyang naging trabaho kalaunan, at doon niya nakilala si Topher.

Si Topher ay isang magalang at masipag na lalaki, na nagkataong hinila ng mga katrabaho niya sa bar noong gabing iyon dahil kaarawan niya at kailangan umano niyang “mag saya”.

Ngunit dahil nga sa hindi sanay sa mga ganoong lugar ay nag mukmok na lamang sa isang gilid ang lalaki, hanggang sa nilapitann siya ni Angela upang alukin ng tubig, at doon na sila nagkakilala.

Ilang buwan pa ang lumipas ay tuluyan nang naging magkasintahan ang dalawa, at di nagtagal ay umalis na rin sa trabaho ang dalaga upang makapag simula.

Mahigit isang taon na rin ang kanilang relasyon at palagay ni Angela ay handa na siyang makilala ang mga magulang ng nobyo.

Kung kaya naman dumalaw na sila sa bahay sa wakas, ngunit hindi inaasahan na kilala pala ng nanay ng binata si Angela, at alam niya ang dating trabaho nito!

Paano?

Ayun pala, ay dating katrabaho ng kaniyang ina ang ina ni Topher at kilalang-kilala niya ang maaamong mukha ni Angela.

Labis naman na nagulat ang dalaga, ngunit tila nabunutan ito ng tinik ng malaman niya na tanggap siya ng buong pamilya ng nobyo kahit mayroon siyang kakaibang nakaraan.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Fictional

Ipaprank Sana Ng Babae Ang Nobyo Para Sa Valentine’s Day, Ngunit Hindi Niya Inaasahan Ang Nangyari At Naabutan Niya!

Published

on

By

Matagal na ring magkasintahan si Andy at Marita.

Sa loob ng siyam na taon ay lubos na nilang kilala ang isa’t isa, at masasabi mong sigurado na rin sila sa balak nilang tahakin sa kanilang buhay.

Hindi madalas mag away ang magkasintahan, dahil malaki rin ang tiwala ni Marita sa kasintahan.

Ni minsan kasi ay hindi ito nag loko, at tutok lamang sa trabaho kung kaya naman madalas ding paliguan ng dalaga ang kaniyang nobyo ng kung anu-anong regalo dahil labis na lamang ang pagka tuwa niyaa rito.

Nalalapit na rin ang araw ng mga puso at nakaisip si Marita ng pakulo upang mawala naman ang stress ng binata mula sa trabaho nito.

Nais niyang supresahin ang nobyo sa mismong Valentine’s Day, kung kaya naman nagsimula na siyang mag handa para sa kaniyang regalo.

Una muna ay ipinaalam niya sa kasintahan na hindi siya magiging libre para sa araw na iyon, ngunit hindi niya alam na parte lamang ito ng kaniyang pag papangap para sa kaniyang pasabog.

Maagang dumating si Marita saa condo ni Andy, isang oras bago pa man dumating ang binata galing sa kaniyang trabaho.

Noong nadarama niyang malapit na ang binata ay agad siyang nagtago sa ilalim ng kama upang takutin sana ang lalaki.

Bagkus, siya mismo ang natakot nang makita niyang may kasama ang nobyo na isang babae, at mula sa kanilang pagkakatayo ay kumpirmadong magkayakap ang dalawa at naririnig niyang naglalambingan pa.

Hindi kinaya ni Marita ang mga pangyayari kung kaya naman gumawa siya ng paraan upang makatakas sa unit bago pa man siya mahuli.

Matapos noon ay agad niyang blinock si Andy sa lahat ng kaniyang social media at hindi na nagparamdam pa.

Para sa kaniya, sapat nang eksplanasyon ang nakita niya upang talikuran ang relasyon nila.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Continue Reading

Fictional

Akala Ng Babae Ay Gusto Siya Ng Lalaking Madalas Nakatitig Sa Kaniya Sa Restaurant, Naiyak Siya Matapos Malaman Ang Tunay Na Rason!

Published

on

By

Galing sa isang mapang abusong relasyon si Sarah na nagtagal ng halos apat na ton.

Matapos noon ay nagpasya na lamang siyang ituon ang kaniyang pansin sa sarili, at doon nagsimula ang pagtatayo niya ng negosyo na katagalan ay naging isang matagumpay na restaurant.

Katulong niya ang kaniyang pinsan na si Matilda sa pagpapatakbo ng restaurant.

Isang araw, may isang matipunong lalaki ang dumalaw sa kanilang kainan na pumukaw sa atensyon ni Sarah.

Bukod kasi sa kagwapuhang taglay nito ay tingin pa nang tingin ang lalaki sa kaniya.

Napadalas na rin ang pagdalaw ng lalaking ito sa kaniyang restaurant hanggang sa naging suki na rin siya.

Tila naging isang laro naman ang ginagawang titigan ng dalawa, dahil sa tuwing naroon ang lalaki ay maigi niyang pinapanuod si Sarah sa kaniyang ginagawa.

Kung todo sulsol naman ang pinsan niyang si Matilda na naniniwalang may pagtingin sa kaniya ang lalaki.

Kung kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan upang makapag usap na ang dalawa, at hindi nga nagkamali si Matilda, gusto nga siyang makilala ng binata!

Napag alaman din niya na Harry ang pangalan ng guwapong lalaki, at inaaya nito si Sarah sa isang dinner.

Nagtititili naman ang mag pinsan dahil dito, at agad nang nag tuksuhan dahil sa wakas, magkaka love life na ulit si Sarah!

Ayon pa sa babae ay kapag niligawan siya ni Harry ay agad niyang sasagutin ito.

Sumapit na ang gabing pinaka iintay ng mag pinsan at nagkita na nga ang dalawa.

Todo asa naman si Sarah na magiging isang napaka gandang gabi ito, ngunit hindi niya inaasahan ang mga susunod na katagang binitawan ni Harry.

“Kaya ako nasa restaurant mo palagi dahil napaka sarap ng pagkain. Pinapanuod din kita to observe, kasi balak naming magtayo ng fiance ko ng restaurant, and I find you a very good manager.”

Sobrang napahiya sa sarili ang dalaga na hindi niya napigilan na maluha, kung kaya naman gumawa na lamang siya ng dahilan upang umalis sa dinner agad-agad.

Umuwing luhaan ang dalaga, at agad na nagsumbong kay Matilda.

Mula ngayon, aniya, ay hindi na siya basta-basta aasa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!”

Continue Reading

Fictional

Isang Misis Na Palaging Lumalapit Sa Kaniyang Kaibigan Tuwing Nag Aaway Sila Ng Mister, Hindi Makapaniwala Matapos Malaman Ang Katotohanan!

Published

on

By

Matalik na magkaibigan si Elsa at Lea.

Simula pa lamang noong college ay sanggang-dikit na ang dalawa, hanggang sa magtapos ng pag aaral magkaroon ng mga nobyo at magkaroon ng trabaho.

Ngunit sa kanilang dalawa, si Elsa ang mas naunang magkaroon ng asawa at pamilya.

Si Adam, ang matagal na kasintahan ng babae ay isang maayos na partner bago sila magkaroon ng anak ni Elsa.

Ngunit simula noong manganak ang asawa ay napabayaan na niya ang katawan niya dahil sa pag aasikaso sa anak at sa asawang nagtatrabaho.

Tanging si Lea lamang ang naging sandalan ng ginang sa bawat pagkakataon na nag aaway sila ni Adam, at malaki ang pasasalamat niya rito dahil siya rin ang nagbabantay sa kaniyang mag asawa sa tuwing kailangan niyang mag grocery nang mabilisan.

Sa tuwing nag aaway o nababalitaan niyang nambababe si Adam ay si Lea ay tanging nakikinig sa kaniya, at nagtatanggol sa kaniya.

Ang kaibigan din ang naglalakas ng loob niya sa tuwing pakiramdam niya ay hindi na niya kaya.

Hanggang sa isang araw, nalaman na naman ni Elsa na may bagong babae ang asawa.

Sa pagkakataong ito halatang humaling na humaling ang asawa dahil madalas na niyang ipinag papalit ang oras nilang magpamilya para sa kirida nito.

Laking pagtataka rin niya dahil ang dating kasangga niyang si Lea ay hindi na niya mahagilap, bagay na kaduda-duda para sa ginang.

Kung kaya naman nagsimula na siyang mag imbestiga at tama nga ang hula niya!

Si Lea ang bagong kabit ng asawa.

Halos manlumo si Elsa sa nalaman, dahil hindi niya maunawaan kung paano nagawa ng kaibigang magtaksil gayong alam niya ang paghihirap niya bilang isang asawa at ina.

Agad na ang alsa balutan si Elsa kasama ang kaniyang anak upang pumunta sa kaniyang ina upang makapag isip-isip.

Ngunit desidido na siyang tanggalin sa buhay ang dalawang taong minsan niyang pinagkatiwalaan ng husto ngunit napiling traydurin siya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!”

Continue Reading

Trending